_pang-masa
^

8 tinurukan ng ‘Sputnik V’ nakaranas ng side effects

Ludy Bermudo (Pang-masa) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Health na walo ang naitalang nakaranas ng adverse events following immunization (AEFI) ng Russian-made na Sputnik V COVID-19 vaccine matapos mabakunahan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga naiulat na side effects ng Sputnik V vaccine ay ang pananakit ng katawan at bahagi ng katawan na tinurukan ng bakuna, pagkakaroon ng rashes, pana­nakit ng likod, pananakit ng ulo, pagduduwal, at pagtaas ng blood pressure.

Nilinaw naman ni Vergeire na ang lahat ng nakaranas ng mga naturang side effects ay nasa maayos nang kondisyon at pawang nakauwi na rin sa kani-kanilang tahanan.

“But all of these were managed and lahat po sila ay nakauwi rin pagkatapos mamonitor,” dagdag ni Vergeire.

Dagdag pa ni Vergeire, wala rin naman silang natanggap na ulat na nagkaroon ng mishand­ling sa mga bakuna, na kailangang iimbak sa temperatura na hindi hihigit sa -18 degrees Celcius.

Matatandaang nasa 15,000 doses ng Sputnik V ang dumating sa Pilipinas noong Mayo 1 na hinati sa mga lungsod ng Manila, Makati, Taguig, Parañaque at Muntinlupa. Inaasahang darating sa bansa ang natitira pang 480,000 doses ng natu­rang bakuna sa pagtatapos ng buwang ito. 

DOH SPUTNIK V
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with