_pang-masa
^

Maaarestong quarantine violators, bawal saktan — Eleazar

Joy Cantos (Pang-masa) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigpit na iniutos ng bagong PNP chief na si Gen Guillermo Eleazar na bawal saktan at parusahan ang mga maaarestong quarantine violators partikular na ang mga walang suot na face mask.

Kasabay nito, tiniyak ni Eleazar sa publiko na irerespeto ng pulisya ang karapatang pantao ng sinumang inbibiduwal at ipatutupad rin ang maximum tolerance sa mga maarestong pasaway.

Ginawa ni Eleazar ang pahayag nang matanong kung paano ipatutupad ng PNP ang kautusan ni Pa­ngulong Duterte na arestuhin at ikulong ang mga quarantine violator na walang mga suot na face mask.

Batay sa kaniyang karanasan bilang commander ng Joint Task Force COVID Shield, sinabi ni Elea­zar na ang infection rate ay bumababa sa tuwing naghihigpit sa quarantine measures sa Metro Manila at mga karatig nitong lugar na kinabibilangan ng Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

Noong nakalipas na taon matapos na tumaas ang kaso ng COVID sa Cebu City ay ideneploy dito ang Special Action Force (SAF) commandos na nagpatupad ng mahigit na quarantine protocols hanggang sa bumaba ang infection rate sa lungsod.

Sinabi ni Eleazar na ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa NCR plus matapos ang paglobo nito noong Marso ay patunay na epektibo ang paghihigpit sa quarantine measures. 

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with