^
RT-PCR test, effective pa rin -- DOH
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, napakaliit lang ng populasyon na nakitaan na hindi natukoy ng RT-PCR ang French COVID-19 variant, na pinabulaanan ng ilang pinagkakatiwalaang institusyon.
The STAR/Michael Varcas

RT-PCR test, effective pa rin -- DOH

Ludy Bermudo (Pang-masa) - April 18, 2021 - 12:00am

Sa ulat na ‘di naka-detect ng French variant

MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ng Department of Health (DOH) na epektibo pa rin ang reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test na itinuturing na “gold standard” sa pagtukoy sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) virus sa gitna ng alalahanin na may nakakalusot o hindi madetect na variant sa France gamit ang nasabing testing.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, napakaliit lang ng populasyon na nakitaan na hindi natukoy ng RT-PCR ang French COVID-19 variant, na pinabulaanan ng ilang pinagkakatiwalaang institusyon.

“Ang article na lumabas na ito napakaliit ng popu­lation na nakitaan nila na hindi na-detect apparently sa RT-PCR pero ito ay pinabulaanan ng experts coming from Johns Hopkins and Stanford at iba pang credible institution,” ani Vergeire.

Dagdag ni Vergeire, dapat pang pag-aralan ito ng mga nasa larangan ng diagnostic testing, na kailangang patunayan kung makakaapekto o hindi sa paraan ng pagkuha ng COVID-19 tests. 

Noong kalagitnaan ng Marso nang sabihin ng Frech authorities na nag-iimbestiga sila sa isang variant na nakita sa Western Britanny region na mahirap matukoy sa pamamagitan ng tests, bagama’t sa kasalukuyan ay hindi naman masasabing mas mapanganib  o mas nakahahawa.  

Sa datos mula Abril 10, may natukoy na isang kaso ng variant na unang natuklasan sa Brazil (P.1), 170 ang variant na unang natuklasan sa United Kingdom (B.1.17), 192  ang variant na unang natukoy sa South Africa (B.1.3.5.1), at 19 na ang natukoy sa Pilipinas (P.3).

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with