Drug bust: 6 timbog sa P122.4 milyong shabu
MANILA, Philippines — Inaresto ang anim katao, kabilang ang isang menor-de-edad sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng PDEA sa Las Piñas, kahapon ng umaga.
Kinilala ang mga suspek na sina Reyano Oraid; Khen Moreno; Efren Mangona, Abdulmunir Addin; Shay An Mokamad; at isang menor de edad, pawang nakatira sa Tionquiao St., Gatchalian Subdivision ng nasabing lungsod.
Base sa ulat, alas-10:30 ng gabi nang isagawa ang drug operation sa mismong tahanan ng mga suspek.
Nabatid na isang ahente ng PDEA ang nagpanggap na buyer ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang anim.
Nakuha mula sa mga suspek ang 18 kilos na shabu na nagkakahalaga ng P122,400,000.00, puting Mitsubishi Expander na may plakang NFU 8599, pulang KIA RIO (EG 28-74), dalawang cellphone na gamit sa pakikipag-transaksyon sa kanilang mga parukyano at buy-bust money.
Nasa PDEA detention cell ang anim na suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
- Latest