^

Ilegal na nagbebenta ng Ivermectin, tutugisin

Joy Cantos (Pang-masa) - April 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tutugisin at aarestuhin ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang mga indibiduwal na sangkot sa “unregulated” o hindi awtorisadong pagbebenta at distribusyon ng Ivermectin drugs na panggamot sa COVID-19.

Ayon kay PNP-CIDG Director P/Major Gen. Ignatius Ferro, tutulong sila sa Food and Drugs Administration (FDA) na mahuli ang mga ilegal na nagbebenta at namemeke ng Ivermectin at maging ang mga hindi rehistrado, walang lisensya at permit na uri ng mga gamot lalo na sa COVID-19 sa bansa.

“The CIDG will assist the FDA in suppres­sing or deterring lawless elements in their criminal acts of endangering the well-being of the community,” pahayag ni Ferro.

Sinabi ni Ferro na ang PNP-CIDG bilang prem­yadong investigating arm ng PNP ay nangunguna sa pagsawata sa lahat ng uri ng illegal at kriminal na aktibidades bilang bahagi ng pinalakas na anti-cri­mi­­nality campaign.

Ang Ivermectin ay isi­nusulong ng ilang mam­babatas na gamitin sa COVID-19 dahil abot kaya ang halaga nito at napatunayan ng mabisa na ginagamit na sa ibang bansa.

Sa kabila nito, unang nagbabala ang FDA laban sa pagbili at paggamit ng Ivermectin lalo na ang mga ospital at doktor na walang aprubadong Compassionate Special Permit (CSP) mula sa FDA. Hiniling din nito sa mga Local Government Units (LGUs) at Law Enforcement Agencies (LEAs) na tiyakin na sasawatain ang pagbebenta ng nasabing gamot sa kanilang mga hurisdiksyon.

IVERMECTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with