^
âFit at healthyâ si Duterte â Roque
Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay upang tuldukan ang mga espekulasyon at haka-haka na naglutangan sa social media na dumanas ng mild heart stroke si Pangulong Duterte.
PPD/Ace Morandante

‘Fit at healthy’ si Duterte — Roque

Malou Escudero (Pang-masa) - April 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nananatiling “fit at healthy” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa edad nitong 76.

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay upang tuldukan ang mga espekulasyon at haka-haka na naglutangan sa social media na dumanas ng mild heart stroke si Pangulong Duterte.

Labis naman na nagpasalamat ang Malacañang sa mamamayang Filipino sa paghahayag ng saloobin ng mga ito lalo na sa mga naniniwalang fake news ang kumakalat sa social media hinggil sa kalagayan ng Pangulo.

“And wishing the Chief Executive’s strength and good health during this time of COVID-19 pandemic as he continues to discharge his functions as head of the government,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Pinasalamatan din ni Sec. Roque ang sambayanang Filipino dahil ginawa ng mga ito si Pangulong Duterte bilang “the most approved and the most trusted national public official” sa bansa na may 65% approval rating at 55% trust rating, ayon sa independent non-commissioned survey na isinagawa noong Marso 20 hanggang 29, 2021.

Aniya, ang resulta ng huling survey ay nagbibigay lamang ng malinaw na mensahe na ang mga Filipino sa pangkalahatan ay masaya sa liderato at performance ni Pangulong Duterte.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with