_pang-masa
^
Quezon City senior citizens, sinimulan nang bakunahan vs. COVID-19
Inumpisahan na kahapon ang pagbakuna ng AstraZeneca sa mga senior citizens na isinagawa sa Quezon City.
Michael Varcas

Quezon City senior citizens, sinimulan nang bakunahan vs. COVID-19

Mer Layson (Pang-masa) - April 1, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinimulan na rin ng Quezon City government, ang pagtuturok ng COVID-19 vaccine sa mga senior citizen sa lungsod.

Ayon kay Joseph Juico, co-chairperson ng vaccination task force ng lungsod, may 2,000 senior citizen ang inisyal na nabigyan ng unang dose ng AstraZeneca vaccine nitong Miyerkules sa mga vaccination sites na itinayo nila sa anim na distrito ng lungsod.

Ani Juico, ito ay micro-rollout lamang na ang target ay mga barangay na malapit sa vaccination sites.

Sinabi niya na nasa 2,000 doses ang mga hindi nagamit na AstraZeneca vaccine na nakuha nila mula sa mga pagamutan at ito ang ibinigay nila sa mga senior citizen, na mahalagang mabakunahan na rin upang maprotektahan sila laban sa virus.

Tiniyak naman ni Juico na kaagad na babakunahan ang iba pang senior citizen sa sanda­ling matanggap na nila ang mga karagdagan pang AstraZeneca vaccines.

Sinabi naman ng Quezon City LGU na mayroon pa silang suplay ng Sinovac vaccine ngunit hindi naman inirerekomenda ng Food and Drug Administration (FDA) na ibigay ito sa mga senior citizen, kaya’t ilalaan na lamang ito sa iba pang nasa priority list ng DOH.

COVID-19 VACCINE SENIOR CITIZEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with