Mga asymptomatic at mild cases, ilipat sa isolation centers — DOH

Ito ang naging pa­nawagan ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa pamunuan ng mga pagamutan dahil may naka-admit na 131 pasyenteng asymptoma­tic at 127 mild cases lang na dapat ay nakalaan sa mga pasyenteng “severe at critical” lamang.
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Dapat ilipat na lang sa mga isolation centers ng mga ospital ang mga COVID-19 patients nila na asymptomatic at mild cases lamang.

Ito ang naging pa­nawagan ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa pamunuan ng mga pagamutan dahil may naka-admit na 131 pasyenteng asymptoma­tic at 127 mild cases lang na dapat ay nakalaan sa mga pasyenteng “severe at critical” lamang.

Iginiit niya na dapat sundin ng mga pagamutan ang Department Memorandum 2020-0439 na nagsasaad na kailangan ng mga DOH at specialty hospitals na makipag-ugnayan sa Bureau of Quarantine (BOQ) para mailagay sa mga hotel quarantine facilities ang mga pasyenteng kumpirmado ngunit asymptomatic at mild cases.

Kaugnay rin ito ng pag-abot na ngayon sa kritikal na lebel ng kapasidad ng mga pagamutan sa National Capital Region (NCR).

Patuloy na nag-iikot na rin sa mga pagamutan si Treatment czar Undersecretary Leopoldo Vega para mabatid ang pangangailangan ng mga pagamutan at matiyak kung naipatupad na nila ang pagdaragdag ng 30% na kapasidad ng kanilang mga COVID-19 beds sa mga pribadong ospital at 30% sa mga pampubliko.

Show comments