9-anyos tinodas ng lolo habang nagmomodyul

Sa ulat na nakarating sa Police Regional Office (PRO) 2, kinilala ang suspek na si Jose Baquiran, 60, dating barangay kagawad, habang ang biktima ay nakilalang si Robin Carl Londonio, 9, kapwa residente ng nasabing lugar.
File

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 9-anyos na batang lalaki matapos barilin ng isang matandang suspek habang nagmo-module sa loob ng kanilang bahay sa Purok 4, Barangay Mangcuram, Ilagan City, Isabela.

Sa ulat na nakarating sa Police Regional Office (PRO) 2, kinilala ang suspek na si Jose Baquiran, 60, dating barangay kagawad, habang ang biktima ay nakilalang si Robin Carl Londonio, 9, kapwa residente ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng PNP-Ilagan, kasalukuyan umanong nagbabasa sa kanyang module ang biktima nang dumating ang suspek na may dalang M-16 rifle.

Dahil sa nakita umano ng bata na may dalang baril ang suspek ay tinanong pa umano ng bata sa wikang Ilocano ang lolong si Baquiran:’’Apay uncle ano ti basol mi kanya nyo,’’ sa tagalog “bakit po uncle ano ang kasalanan namin sa inyo,”?

Hindi sumagot ang suspek at bigla na lang niratrat ang bata na tinamaan sa tiyan.

Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang batan, na idineklarang dead-on-arrival.

Naaresto naman ang suspek sa isinagawang hot pursuit operation ng kapulisan, habang patuloy pa rin ang im­bestigasyon ng PNP Ilagan upang malaman ang motibo sa pamamaril ng lolo habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanya. - Victor Martin

Show comments