^

Police Metro

Crackdown sa quarantine violators

Mer Layson - Pang-masa

Ipinag-utos ng DILG…

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng crackdown sa lahat ng qua­rantine violators at paiigti­ngin pa ang pagpapatupad ng minimum health standards sa lahat ng barangay.

Ito ang naging kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng local government units (LGUs) at maging ang Philippine National Police (PNP), kasunod nang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naitatala sa bansa nitong mga nakalipas na araw.

Ayon kay DILG Officer-in-Charge at Undersecretary Bernardo C. Florece, Jr., naglabas na siya ng direktiba kay Joint Task Force Shield Commander PLtGen Cesar Hawthorne Binag na dagdagan ang police deployment at istriktong ipatupad ang minimum public health standards sa Pasay, Malabon, Navotas, Cebu City at Cebu Pro­vince, na pawang nakapagtala nang pagdami ng mga kaso ng sakit.

“Naging kampante ang ating mga LGUs maging ang PNP sa enforcement ng ating mga minimum health standards kaya’t inaatasan ko ang ating mga local officials kasama ang mga barangay at kapulisan na puspusang ipatupad ang basic health protocols sa lahat ng barangay sa ating bansa,” ani Florece.

Binigyang-diin ni Florece na ang pagsusuot ng face masks at face shields at physical distancing ay dapat na istriktong ipatupad sa lahat ng LGUs at ang mga lalabag dito ay dapat na pagmultahin base sa mga umiiral na mga ordinansa.

Dapat ding ituloy at higpitan ang pagsasagawa ng temperature checks at paglagda ng mga contact tracing forms maging manu-mano man ito o sa pamamagitan ng Stay Safe app, sa lahat ng mga establisimyento at mga work places.

Ipinag-utos rin ang deployment ng contact tracers sa mga lugar na may pagtaas ng mga COVID-19 cases, upang matulungan ang mga local contact tracing teams sa pagtukoy sa mga na­ging close contacts ng mga pasyente at masuri sila.

Mahigpit din ang habilin ni Florece sa PNP na istriktong ipatupad ang curfews na ipinaiiral ng mga LGUs sa ilang lugar, na ini-adjust na ng ilan na mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw.

vuukle comment

QUARANTINE VIOLATORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with