1 milyong dose ng biniling Sinovac darating sa Marso 21

Ito ang sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr., at bukod pa ito sa panibagong ibibigay ng gobyerno ng China na 400,000 dose na inaasahan rin darating ngayong buwan pero hindi sinabi kung anong petsa.

MANILA, Philippines — Sa Marso 21 ay inaasahang darating na sa bansa ang 1 milyong dose ng Sinovac na binili ng pamahalaan.

Ito ang sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr., at bukod pa ito sa panibagong ibibigay ng gobyerno ng China na 400,000 dose na inaasahan rin darating ngayong buwan pero hindi sinabi kung anong petsa.

Sa kabuuan, sinabi ni Galvez na 1.4 milyon na dose ng Sinovac ang darating ngayong Marso.

Matatandaan na una nang nakatanggap ng 600,000 dose ng donasyong bakuna ang Pillipinas mula sa China nitong Pebrero 28.

Habang kahapon naman ay dumating ang karagdagang 38,400 dose ng AstraZeneca mula sa COVAX facility, nauna naman dumating noong Marso 4 ang 487,000 dose nito.

Idinagdag pa ni Galvez na 4.5 milyong dose ng AstraZeneca ang darating sa bansa hanggang Mayo kung saan makakatanggap ng 1.5 milyong dose kada buwan. - Danilo Garcia

Show comments