2 drug pusher timbog sa P16 milyong marijuana at shabu
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang dalawang dayo na pinaniniwalaang mga big time na drug pusher sa isang buy-bust operation, kamakalawa sa Quezon, Isabela.
Kinilala ang dalawang naarestong suspek na sina Anwar Sindatoc, 54, driver, ng Las Piñas City; at Elson Cabunyag, 43, ng Port Area, Manila.
Sa ulat ng Quezon-PNP, alas-10:00 ng gabi unang nakumpiska sa dalawang suspek ang 2 bricks ng marijuana matapos bentahan ang isang kagawad ng pulisya na nagsilbing poseur buyer sa Barangay Abut.
Nakumpiska rin sa sasakyan ng mga suspek ang karagdagang 125 bricks, 4 na tubular na marijuana na may bigat na 130 kilos na tinatayang nasa P16 milyon, 3 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400.00 at 1 caliber 45 Colt Mark 4 na pistol at mga bala.
Kinasuhan ang dalawa ng paglabag sa Republic Act 9165 at Republic Act 10591. - Victor Martin, Artemio Dumlao
- Latest