Ex-police colonel na nang-rape ng anak, arestado

Kinilala ni Baguio City Police Director Colonel Allen Rae Co, ang dinakip na si Ronald Salcedo Olarte na nahaharap sa kasong incestuous rape at may patong sa ulo na P135,000.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pagkatapos ng mahigit 15 taon na pagtatago sa batas ng isang dating pulis na humalay sa anak sa Baguio City ay naaresto ito kamakalawa sa pinagtataguan sa Batangas.

Kinilala ni Baguio City Police Director Colonel Allen Rae Co, ang dinakip na si Ronald Salcedo Olarte na nahaharap sa kasong incestuous rape at may patong sa ulo na P135,000.

Ayon kay Co, natunton ng pinagsamang puwersa ng pulisya ng Batangas at Baguio City si Olarte sa Lipa City.

Si Olarte ay inakusahan sa panggagahasa sa sarili nitong anak noong Enero 2006 at natanggal sa serbisyo nang sumunod na buwan dahil sa ginawa nitong kahayukan. - Artemio Dumlao

Show comments