^
Envoy na nagmaltrato sa kasambahay, sinibak ni Duterte
“Sorry, iyong ambassador doon sa Brazil who maltreated a household helper, ito repeatedly inflicted physical harm doon sa tao. The recommendation was --- and I am --- I signed the... When was it? The other day or last night? I signed the document affirming the decision,” ani Duterte.
Philippine Embassy in Brazil

Envoy na nagmaltrato sa kasambahay, sinibak ni Duterte

Malou Escudero (Pang-masa) - March 3, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa pagmamaltrato sa kanyang Filipino domestic helper na kasama sa Brazil ay ina­prubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsipa sa serbisyo ng dating ambassador ng Brazil na si Marichu Mauro.

“Sorry, iyong ambassador doon sa Brazil who maltreated a household helper, ito repeatedly inflicted physical harm doon sa tao. The recommendation was --- and I am --- I signed the... When was it? The other day or last night? I signed the document affirming the decision,” ani Duterte.

Bukod sa dismissal sa serbisyo, hindi na rin makukuha ni Mauro ang kanyang retirement be­nefits at hindi na muling papayagang makapagtrabaho sa gobyerno.

Matatandaan na nakunan ng video ang pagmamaltato ni Mauro sa kanyang 51 taong gulang na kasambahay sa loob ng diplomatic residence sa Brazil.

Samantala, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na ipinagbabawal na ang pagdadala ng mga domestic staff ng mga diplomatic officers sa ibang bansa matapos ang ginawang pagmaltrato ni Mauro.

Sinabi rin nito na ang mga nais magkaroon ng domestic staff ay kaila­ngang dumaan sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Nagtakda rin ng minimum na sahod na $400 hanggang $600 na ide­deposito sa account ng domestic staff.

MARICHU MAURO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with