^

Mga Pinoy sa US pinag-iingat sa lumalalang hate crimes vs Asians

Gemma Garcia (Pang-masa) - February 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Washington ang mga Filipino na nasa United States ukol sa tumataas na bilang ng insidente ng hate crimes laban sa mga Asyano sa nasabing bansa.

“We note with concern the rise in attacks on Asian Americans in various parts of the country. Filipinos are advised to exercise utmost caution in view of these incidents,” ayon sa abiso ng embahada.

Nauna nang naiulat ang nilaslas na mukha ng isang 61-anyos na Pinoy sa New York matapos na atakihin sa subway, at ang pag-atake rin sa isang matandang Pinay sa San Diego, California.

Naiuulat din ang pagnanakaw at pag-atake sa Chinatowns sa ilang mga pangunahing US cities, habang kumakalat din ang pandemic-related racism na tinatarget ang Asian-Americans sa social media.

Sa kabila nito, kinilala naman ng embahada ang mabilis na aksyon ng lokal na gobyerno sa Amerika.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with