^

Pick-up sumalpok sa poste: 4 utas

Victor Martin (Pang-masa) - February 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi ang apat na magkakaibigan habang isa ang sugatan matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang pick-up sa isang poste ng kuryente sa Tuguegarao City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Fidel Baldos; Alvin Dela Cruz; Patrick Desuasido; at Kenneth Maggay ng Barangay Caggay, habang sugatan naman ang driver ng sasakyan na si Rowel Bambilla.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang aksidente, alas-11:18 ng gabi ay binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Balzain Hi-way sakay ng isang pu­ting pick-up (UIL-230) na minamaneho ni Bambilla nang mawalan umano  ng kontrol sa manibela at sumalpok sa isang poste ng kuryente.

Kinumpirma ng pulis­ya na nasa impluwensya ng alak ang driver na si Bambilla na nahaharap sa patung-patong na kaso. - Raymund Catindig

AKSIDENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with