^

BOC nasabat ang P6.8 milyong shabu sa loob ng air fryer

Danilo Garcia (Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nakalagay sa loob ng isang air fryer na sinubukang ipuslit sa Port of Clark kamakailan.

Sa ulat, Pebrero 16 nang dumating ang shipment sa Port of Clark na nakadeklarang “Air Fryer, Silkware” mula sa Sha Alam, Malaysia.

Nang isailalim sa non-intrusive examination’, nadiskubre ang imahe ng organic substances sa loob ng kargamento at nang isagawa ang ‘physical examination’ ay nadiskubre ang dalawang itim na plastic packs na naglalaman ng tinatayang 1,000 gramo ng hinihinalang shabu.

Agad na naglabas ng Warrant of Seizure and Detention si District Collector Atty. Ruby Alameda laban sa shipment base sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at RA 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

Nagsagawa ng ‘controlled delivery operation’ ang BOC na nagresulta sa pagkakadakip sa hindi pinangalanan na ‘claimant’ ng shipment sa may Cebu City.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with