Laway puwede na sa swab test
MANILA, Philippines — Maaari nang gamitin ang laway o saliva specimen sa swab testing upang matukoy kung nagtataglay ang isang tao ng COVID-19.
Ito ay matapos magbigay ng “go signal” ang laboratory experts panel ng Department of Health (DOH) matapos ang kanilang isinagawang pag-aaral sa paggamit ng laway bilang alternatibong pagtukoy sa COVID-19.
Sa Laging Handa briefing nitong Sabado, sinabi ni DOH Health Usec. Maria Rosario Vergeire na naiprisinta na ang pilot run sa saliva specimen test ng Philippine Red Cross.
“It was agreed by the laboratory experts panel na pwede nang payagan ... gamitin ang saliva as an alternative specimen,” ani Vergeire.
Aniya, naipadala na kay Health Secretary Francisco Duque III ang naging rekomendasyon ng panel at ipinarating na rin ang desisyong ito sa Philippine Red Cross.
- Latest