Lie detector at drug test sa mga sangkot sa Dacera case

Sharon Dacera
Russel Palma

MANILA, Philippines — Isinailalim sa polygraph test o ‘lie-detector test’ ang 12 sa mga ‘person-of-interest’ sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera upang magkaroon na ng kalinawan ang isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Nabatid na lima sa kanila ay boluntaryong nagpasailalim din sa ‘drug test’ kung saan negatibo ang resultang lumabas upang patunayan na hindi sila gumagamit ng iligal na droga. 

Kabilang sa mga nag-negatibo sa drug test ay sina Alain Chen, 27; Gregorio Angelo Rafael De Guzman, 34; Rommel Galido, 29; John Pascual Dela Serna, 27; at Jezreel Rapinan, 30.

Ayon sa NBI, ang mga sagot na ibinigay nila sa polygraph test ay ikukumpara sa mga nakalap na mga pisikal na ebidensya maging sa video footage sa loob ng hotel.

Samantala, nakatakdang dumating buhat sa Tacloban City ang ika-13 occupant ng Room 2207 para magbigay ng kaniyang testimonya sa mga imbestigador. Susuriin ng NBI ang magiging testimonya niya at aalamin kung maaari siyang maging ‘state witness’ ng pamahalaan.

Una nang isinailalim sa ikalawang otopsiya ng mga forensic expert ng NBI ang labi ni Dacera bago ito ilibing at dito ay nakakuha umano sila ng ‘bodily fluids’ sa katawan na isinailalim din sa pagsusuri.

Show comments