^
Bakuna ng China, Russia âdi pinagkakatiwalaan
Ekslusibong ibinahagi sa Reuters ang isinagawang survey ng YouGov Company, kung saan natukoy rin na ang mga Briton at Danes ang pinakahandang tumanggap ng bakuna laban sa COVID-19 kapag ito ay available na sa kanila, habang ang French at Poles ay mas malamang na mag-alangan pang magpabakuna.
Sinovac, file

Bakuna ng China, Russia ‘di pinagkakatiwalaan

Ludy Bermudo (Pang-masa) - January 17, 2021 - 12:00am

Sa International poll

MANILA, Philippines — Kasabay ng mga pag­puna at pagduda sa Sinovac vaccine na binili ng gobyerno, lumabas sa international poll na maraming tao sa buong mundo ang hindi nagtitiwala sa mga bakuna kontra COVID-19 na gawa ng China at Russia.

Ekslusibong ibinahagi sa Reuters ang isinagawang survey ng YouGov Company, kung saan natukoy rin na ang mga Briton at Danes ang pinakahandang tumanggap ng bakuna laban sa COVID-19 kapag ito ay available na sa kanila, habang ang French at Poles ay mas malamang na mag-alangan pang magpabakuna.

Ang botohan ay batay sa mga katanungang ibinigay sa halos 19,000 katao sa kung anong bakuna ang hindi nila pinagkakatiwalaan.

Nalaman din sa nasabing survey na ang willing­ness o pagnanais na maturukan ng COVID-19 vaccine ay mas tumataas na sa maraming bansa nitong mga nakalipas na linggo habang ang mga bakunang na-develop ng mga kumpanya sa Estados Unidos, Russia, China, Germany at Britain ay nagsimula nang mai-supply at maiturok sa mga bansa sa Europe, North America at Asia.

Sa Pilipinas, uma­ani ng puna at pagtata­nong ang Duterte administration sa naging hakbang sa pagkuha ng Sinovac na gawa ng China na sinasabing mas mababa ang efficacy pero mas mahal.

Binigyan-diin naman ni Vaccine czar at National Task Force against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. na layunin ng gobyerno na maturukan ng bakuna ang nasa 25 milyong Pilipino laban sa nasabing virus sa loob ng taong ito.

COVID-19 VACCINE SINOVAC BIOTECH CO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with