^

174 health workers pa dinapuan ng COVID-19

Danilo Garcia (Pang-masa) - January 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa pagpasok ng 2021 ay nasa 174 health workers ang panibagong dinapuan ng virus.

Sa ulat ng Department of Health (DOH), umakyat na sa 13,834 health workers ang nahawa ng COVID-19 mula nang pumutok ito sa Pilipinas. 

Nasa 13,480 na ang nakarekober sa sakit, 76 ang tuluyang nasawi habang 278 pa rin ang mga aktibong kaso sa iba’t ibang panig ng bansa.

Pinakamarami dito ang mga nurses na may 4,900 na dinapuan ng virus; kasunod ang mga doktor na nasa 2,267; nursing assistants na may 1,036; medical technologists na may 696; at midwives na nasa 468 cases.

Mahigit 600 naman ang iba pang non-me­dical personnel,gaya ng utility workers, security guards, at administrative staff, ang kasama sa naturang tally.

COVID-19 HEALTH WORKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with