^

Misis na makikipaghiwalay pinatay ng mister

Raymund Catindig (Pang-masa) - December 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagtataga ng isang mister ang kanyang misis dahil sa gusto na umanong makipaghiwalay sa kanya naganap kamakalawa sa Brgy. Gueteb, Urbiztondo, Pangasinan.

Kinilala ang biktimang si Irene Castro, 22, habang nadakip naman ang asawang si Melvin, 25, handicraft maker, kapwa residente ng nasabing barangay.

Batay sa report ng Urbiztondo Police Station, naganap ang krimen kamakalawa ng umaga sa loob ng bahay ng mag-asawa sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon na bago ang krimen ay nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa sa kanilang bahay kaya nagpasyang umuwi si Irene sa kanilang bahay sa Barangay Calobaoan, San Carlos City.

Makalipas ang ilang araw ay bumalik ang biktima sa kanyang asawa na may dalang pagkain para sa kanilang tatlong anak.

Muling nagtalo ang mag-asawa at kumuha ng itak ang suspek saka pinagtataga ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nabatid na madalas sinasaktan ng suspek ang biktima dahil sa selos kaya nagpasya itong maki­paghiwalay na ikinagalit ng mister.

Nahaharap ang mister sa kasong parricide.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with