70 SAF idineploy sa Divisoria

Idineploy kahapon ni Manila Police District (MPD) Director P/Brig. Leo Francisco ang nasa 70 miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Divisoria upang magsagawa ng crowd control at paalalahanan ang mga shoppers na panatilihin ang physical distancing at sumunod sa mga health protocols.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Idineploy kahapon ng pamunuan ng Manila Police District ang nasa 70 miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Divisoria market para umalalay sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil sa dagsa ng mga mamimili ngayong linggong ito.

Sinabi ni MPD Director P/Brig. General Leo Francisco na nagmula sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City para sa mas mara­ming pulis at mas ligtas na pamimili laban sa krimen at  magpapaalala sa publiko sa health at safety protocols laban sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dahil may 5 araw na lang bago ang Pasko, mas lalo pang dinagsa ang Divisoria market na nasasakupan ng Binondo at Tondo na kilala at dinadayo sa mga murang halaga ng bilihin.

 Gayunman, napakarami mang pulis na nakaposte, hindi pa rin nagkukusang dumistansiya ang mga tao na nagsisiksikan sa pamimili na kailangan pang sawayin at paalalahanan.

Show comments