Walang lockdown sa Maynila – Yorme

“Wala pong plano ang pamahalaang-lungsod ng Maynila na mag-lockdown hanggang matapos ang December 31, 2020. I hope maliwanag,” Moreno.
Isko Moreno Domagoso FB Page

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Manila Mayor Isko Moreno na wala silang planong magpatupad ng lockdown sa alinmang lugar sa Maynila hanggang sa pagtatapos ng taon.

Nilinaw ito ni Moreno sa kanyang live address matapos ang kumalat na ulat sa social media na magkakaroon ng lockdown sa Disyembre 22, 2020 sa lungsod.

“Wala pong plano ang pamahalaang-lungsod ng Maynila na mag-lockdown hanggang matapos ang December 31, 2020.  I hope maliwanag,” Moreno.

Gayunman, sinabi ni Moreno na nakahanda siya na magpatupad ng lockdown kung may agarang pa­ngangailangan.

“Share this portion na walang planong mag-lockdown ang pamahalaang-lungsod except kung me mangyaring hindi maganda…unless magpabaya kayo, baka mapilitan tayo,”anang alkalde.

 

Show comments