Workshops, seminars sa GCQ areas aprub sa IATF
MANILA, Philippines — Pinayagan na ng Inter- Agency Task Force ang pagdaraos ng workshops, trainings, seminars at kahalintulad na aktibidad sa mga lugar na nakasailalim sa general community quarantine.
Pero, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat ay hanggang 30 percent capacity lamang ng venue ang papayagang attendees.
Sinabi ni Roque na papayagan na rin ang pagdaraos ng iba pang pagtitipon gaya ng congresses, conferences, board meetings, colloquia, conclaves, symposia, at consumer trade shows.
Ang mga aktibidad ay maaaring gawin sa restaurants, restaurants attached to hotels, ballrooms at function halls ng mga hotel, iba pang venues sa loob ng hotel premises at mall atria.
Inatasan ng IATF ang Department of Tourism at Department of Trade and Industry na maglabas ng karampatang alituntunin hinggil dito.
- Latest