^

Police Metro

Bilyong infra budget ilaan sa COVID-19 vaccine cold storage facility

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Ilaan na lamang sa pagpapatayo ng mga cold storage facilities para sa bibilhing COVID-19 vaccines ang bilyong infrastructure funds na isiningit sa 2021 national budget.

Ito ang naging pa­nawagan ni Medical Action Group Chairperson Dr. Nemuel Fajutagana na dapat bawasan ang pondo sa infrastructure ngayong 2021 dahil mas nangangailangan na pondohan muna ang COVID response ng pamahalaan.

Bukod sa bilyong ha­lagang bibilhing bakuna ay bilyon din ang gagastusin para sa handling ng bakuna na nangangaila­ngan ng minus 70 degree na storage facility.

Ayon kay Department of Health- (DoH) Di­sease Prevention and Control Bureau supervi­sing health program officer Luzviminda Garcia, gagastos ng P3B para sa -70 degrees Celsius storage requirement sa CO­VID vaccine na gagamitin ng may 25M Filipino.

Inamin ni Garcia na ang pasilidad lamang na mayroon ang Pilipinas ay 8 degree hanggang-20 degree Celsius na malayo sa requirement na kailangan para sa COVID vaccine.

Ayon naman kay Vaccinologist Melvin Sanicas na dapat manati­ling frozen ang COVID vaccine para maging epek­tibo ito at kung hindi ito maitatago nang mabuti ay mawawala ang bisa nito.

Sa paghimay ng Senado sa P667 billion budget ng DPWH sa taong 2021 lumilitaw na P447B dito ay para sa mga congressional district, nasa P620M hanggang P15 billion ang infrastructure projects ng bawat kongresista, nadiskubre rin na mayroong mga double funding, overlapping projects sa mga distrito at biglaang insertions sa budget nang maupo bilang House Speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.”

Ilan sa tinukoy ni Lacson na may malaking infrastructure budget ay isang distrito sa Davao na may P15.351B budget; sa Albay ay P7.5B, sa Benguet ay P7.9B habang sa Abra ay P3.75B.

Hindi tinukoy ni Lacson ang mga partikular na distrito, subalit isa sa may hawak ng Distrito sa Davao ay si Davao Rep. Paolo Duterte, sa 2nd District ng Albay ay si Joey Salceda, sa Abra ay si Lone District Rep. Joseph Bernos habang caretaker naman sa Benguet si ACT-CIS Partylist Rep at House Appropriations Chairman Rep. Eric Yap.

vuukle comment

COVID-19

VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with