12 kongresista sangkot sa korapsyon sa DPWH projects â PACC
Ito ay kasunod ng expose ni Sen Panfilo Lacson na nasa P650-M hanggang P15-B ang infrastructure funds na matatanggap ng bawat isang kongresista sa 2021 national budget.
The STAR/Mong Pintolo, file

12 kongresista sangkot sa korapsyon sa DPWH projects — PACC

Danilo Garcia (Pang-masa) - November 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbanta ang Presidential Anti Crime Commission (PACC) na itutuloy nila ang imbestigasyon sa maano­malyang transactions sa paggamit ng pondo kasama na dito ang pakikipag­sabwatan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga kongresista na kukuha ng kickbacks sa mga infrastructure projects na ang resulta ay isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kasunod ng expose ni Sen Panfilo Lacson na nasa P650-M hanggang P15-B ang infrastructure funds na matatanggap ng bawat isang kongresista sa 2021 national budget.

Sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na 12 Kongresista ang idinadawit sa maanomalyang mga infrastructure projects ng DPWH sa kanilang mga distrito na pawang mga big ticket projects na pinag­laanan ng bilyong government funds.

Nabatid na nauna nang isinumite ni Belgica kay Pangulong Duterte ang mga corrupt congressman at ito pa rin ang gagawin nila at makikipagtulungan sa Office of the Ombudsman kung kinakailangan para sa pagsasampa ng kaso laban sa mga corrupt na solons.

Kinumpirma ng PACC na nakakatanggap ng 10%  hanggang 15% komisyon ang mga kongresista sa mga infra pro­jects na ginagawa ng DPWH bukod pa sa porsiyento din ng mga tiwaling DPWH officials, mga contractor at district engineers ay halos 50% na lang ang napupunta sa project cost na siyang dahilan kung bakit maraming substandard na mga proyekto.

Muling sinabi ni Lacson na hindi pa tapos ang kanyang pagharang sa nagla­lakihang infrastructure budget ng mga congressman, bagama’t tinapos na ng Senado  ang period of debates para sa P4.5 trillion 2021 budget ay hindi nangangahulugang nakalusot na ang mga insertions na ginawa ng liderato ng Kamara nang maupo si House Speaker Lord Allan Velasco.

DPWH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with