Pagbakuna ng COVID-19 SA 60 milyong Pinoy aabutin ng 3-5 taon
Ayon kay National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., nasa dalawa hanggang 30 milyong katao lamang ang kayang mabakunahan kada taon.
Handout/Russian Direct Investment Fund/AFP

Pagbakuna ng COVID-19 SA 60 milyong Pinoy aabutin ng 3-5 taon

Danilo Garcia (Pang-masa) - November 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlo hanggang limang taon aabutin bago matapos ng pamahalaan ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa target na 60 milyong Filipino.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., nasa dalawa hanggang 30 milyong katao lamang ang kayang mabakunahan kada taon.

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 60 milyong Filipino para magkaroon ng herd immunity.

Ayon kay Galvez, sa katapusan ng 2021 o sa 2022 pa maaaring masimulan ang pagbabakuna.

Mayroon na aniyang listahan ang pamahalaan kung saan 35 milyong Filipino ang bibigyang prayoridad ng bakuna.

Ayon kay Galvez, base ito sa isinumiteng listahan ng Department of Health (DOH) na naayon na rin sa gabay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Uunahing turukan ng bakuna ang mga nasa National Capital Region, CALABARZON, Central Luzon, Davao, Cebu at Cagayan de Oro na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19.

Ayon naman kay San Lazaro Hospital adult infectious health head Dr. Rogante Solante na sapat na umano ang pagbakuna sa 60 milyong Pilipino para makalikha ng tinatawag na ‘herd immunity’ laban sa COVID-19.

Ito ay ukol sa inisyal na plano ng pamahalaan na gumastos ng P73.2 bilyon para mabakunahan ang nasa 60 milyong Pilipino sa oras na ma­ging available na ang mga epektibong mga bakuna sa merkado.

Sinabi naman ni Presidential spokesperson na kung sakaling maging available sa bansa ang COVID-19 vaccine ay hindi gagawing mandatory ng gobyerno ang vaccination program.

Kaya’t kung talagang ayaw na magpabakuna ng isang target beneficiary ng COVID-19 vaccine ay hindi ito pipilitin ng gobyerno.

BAKUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with