^

Infrastructure budget lumobo sa pag-upo ni Velasco — Lacson

Gemma Garcia (Pang-masa) - November 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inamin ni Sen. Panfilo Lacson na biglang naiba at lumobo ang infrastructure budget ng mga kongresista nang maupo na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa pagiging House Speaker.

Napansin ni Lacson na binago ang House version ng General Appropriations Bill (GAB) at inihalimbawa nito ang isang distrito na P9 billion ang inisyal na budget nang si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ang House Speaker ngunit nang magbitiw ito at palitan ni Velasco ang nasabing distrito na hindi nito tinukoy ay biglang naging P15 billion na ang infrastructure budget.

“Nung nagpalit ng liderato, nagpalit ang ihip ng hangin. Yung iba, from NEP, nabawasan siya pagdating sa GAB kasi under the new leadership. So yung malapit sa kusina, yun ang nadagdagan, at yung mga outside the kulambo, yun ang nabawasan,” ani Lacson.

Anya, nang maupo si Velasco bilang House Speaker noong Oktubre 13, 2020 ay matatandaang  bumuo rin ito ng small committee na mangangasiwa sa 2021 budget, ang miyembro ng komite ay pawang mga pinili niya na nagrekomenda ng P20 billion amendments sa budget.

Sa kabila ng sunud-sunod na expose ni Lacson sa naglalakihang pondo ng mga kongresista ay nanatili namang tahimik ang tanggapan ni Velasco at tumatangging magbigay ng komento sa isyu.

Ang pagkakaroon ng naglalakihang budget ng mga kongresista ay isang malaking usapin sa harap na rin ng naging kumpirmasyon ng Presidential Anti Crime Commission (PACC) sa kanilang isinagawang imbestigasyon na nakakatanggap ng 10 hanggang 15% komisyon ang mga kongresista sa mga infra projects na ginagawa ng DPWH.

PANFILO LACSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with