^

Police Metro

P1.6 bilyong shabu nasamsam, 2 Chinese timbog!

Pang-masa
P1.6 bilyong shabu nasamsam, 2 Chinese timbog!
Ang nasamsam na 240 kilong shabu na nagkakahalaga ng P1.632 bilyon sa drug operation ng mga awtoridad sa Cabanatuan City kamakalawa ng gabi.
Cabanatuan PNP

Delivery ops mula NAIA hanggang Nueva Ecija

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga awtoridad matapos na masamsam ang may 240 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.6 bilyon sa dalawang pinaghihinalaang Chinese drug traffickers sa isinagawang malakihang “controlled delivery operations” mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) hanggang sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 3 director P/Brig. Gen. Valeriano de Leon ang mga nasakoteng suspect na sina Jayson Tan at James Ong na nasa kustodya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region III at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002  at Section 1401 ng Customs Modernization and Tariff Act

Ang mga suspect ay naaresto  ng pinagsanib na elemento ng PDEA-Region 3, PRO3/Cabanatuan City Police, NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, Bureau of Customs (BOC) at PDEA-National Capital Region sa “controlled delivery operations” sa kahabaan ng Diversion Road sa Brgy. Sumacab Sur, Cabanatuan City.

Ayon kay de Leon, nakatanggap ng report ang operating units hinggil sa kargamento na idineklarang “work bench tables” na nai-ship ng tinukoy na Ywlee 87 Trading ng Subang Jaya, Selangor, Malaysia at naka-consigned ito sa kumpanyang Allejam International Trading sa lungsod ng Maynila.

Dumating sa bansa ang kargamento at ini­lagak sa PAL–PSI warehouse noong Oktubre 24, 2020 pero matapos ang masusing surveillance operation, natukoy ang “misdeclared cargo” at nang  idaan  ito sa X-ray scanning at 100% physical examination ay nakita dito na balot na balot ang mga epektos  na nasa 240 plastic packs na nag­lalaman ng kulay puting crystalline substance na nadiskubreng methamphetamine hydrochloride  o mas kilala bilang shabu.

Dahil dito, nakipagkoordinasyon ang BOC sa PDEA at sa Inter-Agency Drug Interdiction Task Force ng NAIA upang matunton ang tatanggap ng naturang cargo. Alas-11:30 ng gabi kamakalawa nang maihatid ng mga undercover agents sa Cabanatuan City ang nasabing shipment na naglalaman ng 240,000 gramo o 240 kilong shabu na nagkakahalaga ng P1.632 bilyon na tinanggap ng dalawang Chinese na kanilang ikinaaresto.

Nakumpiska rin sa operasyon ang isang kulay asul na Vivo Smart phone, isang kulay itim na Honor Smart phone, dalawang kulay abong Nokia keypad cellular phones, isang kulay abong Honda City na may conduction number na E1 N497 at isang Mitsubishi L300.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with