PhilHealth hindi pa nagbabayad sa Red Cross
Gemma Garcia (Pang-masa) - October 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senador Richard Gordon na wala pa rin umanong ibinabayad ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa Philippine National Red Cross (PRC) sa kabila ng mga anunsiyo na magbabayad sila ng halos P1 bilyon utang.

Idinagdag pa ni Gordon na patuloy pa rin ang pagpapagawa ng Bagong provincial molecular laboratories sa Quezon, Albay, Pangasinan, BARM at Laguna at maging sa iba’t bang lalawigan.

Kaya’t malaking pera ang nawala sa PRC habang patuloy pa rin ang kanilang pagte-test sa mga hinihinalang COVID-19 patients para hindi kumalat ang nasabing virus.

Anya, sa ngayon ay patuloy umanong nauubos ang kanilang test kits at para mapalitan ito ay kailangan na silang bayaran na hinihintay na nila dahil nanghihingi ng cash payment ang mga Tsino.

Sinabi pa ni Gordon na dahil sa pangako ng PhilHealth ay nakansela ang flight nila ngayong araw sa China dahil wala silang pambayad sa test kits at iba pang equipment na nagkakahalaga ng $6-$8 million dollars.

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with