Miting ni Duterte sa IATF pinurnada ni âQuintaâ
Nasa Davao pa ang Pangulo at tinututukan ang lagay ng bansa habang nananalasa ang bagyong Quinta.
Presidential Photo/Albert Alcain
Miting ni Duterte sa IATF pinurnada ni ‘Quinta’
Malou Escudero (Pang-masa) - October 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa bagyong Quinta ay naapek­tuhan ang pakiki­pagpulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na nakabiyahe kahapon ang mga miyembro ng Gabinete dahil sarado ang airport ng Davao City.

Nasa Davao pa ang Pangulo at tinututukan ang lagay ng bansa habang nananalasa ang bagyong Quinta.

Ayon kay Roque, bagama’t hindi personal na makadadalo sa meeting ang mga miyembro ng Gabinete, tuloy pa rin naman ang pagpupulong sa pamamagitan ng online platform na Zoom.

Malalaman aniya ng publiko ang magiging bagong quarantine classification na ipatutupad sa iba’t ibang panig ng bansa partikular sa Metro Manila simula sa pagpasok ng buwan ng Nob­yembre.

Magugunitang hinihiling ng mga Metro Manila mayor sa Pa­ngulo na panatilihin muna sa General Community Quarantine o GCQ ang Metro Manila habang unti-unting niluluwagan ang ekonomiya para makontrol pa rin ang galaw ng mga tao at maiwasan ang paglobo ng kaso ng COVID-19.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with