20 pang pulis patay sa COVID-19
Joy Cantos (Pang-masa) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 666 ang nasawing pulis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos na 20 pang personnel ang nadagdag sa talaan.

Sinabi ni P/Col. Ysmael Yu, spokesman ng PNP na base ito sa rekord ng PNP Health Service na ipinalabas bandang alas-9 ng gabi nitong Biyernes.

Sinabi ni Yu na ang nasabing bilang ay naitala mula Marso ng taong ito hanggang dakong alas-6 ng gabi kamakalawa.

Bunsod nito, pumalo na sa 6,636 ang kaso ng COVID-19 sa PNP kabilang ang nasa 50 na bagong nadagdag sa talaan samantalang nasa 590 PNP personnel ang nakarekober matapos tamaan ng virus. Karamihan sa mga pulis na nag-positibo sa COVID-19 ay mga asymptomatic o mga walang nararamdaman.

Inihayag ni Yu na sa mga bagong COVID cases sa PNP, 50 dito ay mula sa Police Regional Office (PRO)-Cordillera; 7 sa National Capital Region Police Office (NCRPO);  tig–5 sa  PRO 1 at PRO 2;  tig-4 sa National Operations Support Unit (NOSU) at PRO 3; tig-3 naman sa PRO 7, PRO9 at tig-isa sa National Headquarters at PRO 10.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with