3 sakay ng sports car dedo sa trak
Doris Franche (Pang-masa) - October 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang tatlong katao na sakay ng sports car matapos na masalpok ng isang 10 wheeler truck, kamakalawa ng madaling araw sa Bacolod City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Stanley Flores, negosyante; at dalawang pamangkin na sina Welton at Mark John Porcel pawang mga residente ng Barangay Villamonte ng lungsod.

Naaresto ang truck driver na si Michael Mojica, 42, ng Kabankalan City, Negros Occidental.

Sa ulat, bago naganap ang insidente, ala-1:00 ng madaling-araw sa kahabaan ng Circumferencial Road, Barangay Villamonte ng nasabing lungsod ay sakay ang tatlo ng sports car na Mustang na minamaneho ni Flores at mabilis na tinatahak ang kalsada.

Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo, hindi napansin ni Flores ang truck sa kanyang unahan na may kargang tubo kaya hindi nakontrol ang manibela.

Sumalpok ang sports car sa likurang bahagi ng trak at dahil sa lakas ng salpok ay pumailalim ang mahigit kalahati ng kotse sa trak dahilan ng agarang kamatayan ng mga sakay.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with