Buntis na ginang patay sa sunog
Mer Layson (Pang-masa) - October 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang buntis na ginang ang nasawi nang makulong sa nasunog nilang bahay sa Taytay, Rizal, kahapon ng madaling araw.

Ang namatay ay nakilalang si Arcelyn Lajom, nasa hustong gulang, habang nakaligtas ngunit sugatan naman ang kanyang mister at dalawang anak na lalaki, na hindi kaagad nakuha ang mga pangalan, at pawang nilapatan na ng lunas sa pagamutan.

Sa inisyal na ulat ng Taytay Municipal Police Station, ala-1:00 ng madaling araw nang magsimulang sumiklab ang sunog sa tahanan ng mga biktima na nasa ikalawang palapag ng RCL Junk shop, Phase ll, Highway 2000, Brgy. Sta. Ana.

Bago ang sunog ay nasa kasagsagan umano ng mahimbing na tulog ang mag-anak nang sa hindi pa batid na kadahilanan ay biglang sumiklab ang sunog mula sa storage area ng kanilang junkshop.

Nagawa umanong makaligtas ng mister at dalawa nilang anak ngunit hindi nakalabas ng tahanan ang ginang, na nagresulta sa pagkamatay nito.

Mabilis din namang rumesponde ang mga kapit­bahay nang marinig ang pamilya na humihingi ng tulong para makalabas ng kanilang bahay.

Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Taytay, Rizal at naapula ang apoy dakong alas-2:02 ng madaling araw

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with