Engkuwentro: 3 npa rebels napatay
MANILA, Philippines — Napatay ang tatlong pinaniniwalaang miyembro ng New Peoples Army (NPA) habang marami pang rebelde ang sugatan nang makaengkwentro ang mga pulis at sundalo sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Alas, Mandaon, Masbate kahapon ng umaga.
Walang nakuha na pagkakakilanlan ang mga napatay na kadre habang nabawi ng tropa ng gobyerno mula sa mga ito ang isang garand rifle, isang carbine rifle, dalawang shotgun, dinamita at iba’t ibang uri ng mga pampasabog o improvised explosive device.
Sa ulat, dakong alas-5:13 ng umaga ay magkakasamang umakyat ng bundok ang mga kasapi ng 96 Military Intelligence Company, 2nd Infantry Batallion, 9th Infantry Division ng Philippine Army, Regional Intelligence Unit 5, Regional Mobile Force Batallion 5, Provincial Intelligence Unit, Balud Police at Mandaon Police para magsilbi ng warrant of arrest laban sa mga rebeldeng sina Roel Vargas, Jomar Tugbo at Eddie Arnold Rosero alyas Ka Star nang maengkwentro ang may 20 bilang ng NPA sa pangunguna ni (Eddie Arnold) Rosero na nagkakampo sa lugar.
Umabot ng 15-minutong palitan ng putok hanggang tumimbuwang ang tatlong rebelde kaya napilitang tumakas ang mga kadre.
- Latest