DSWD hiniling ang mas maluwag sa pagbibigay ng ayuda

MANILA, Philippines — Dapat mas maluwag ang pagbigay sa cash aid para sa mga pamil­yang may maliit na kita sa kabila ng pandemya.

Ito ang iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na dapat maging lenient dahil may listahan ‘yung DSWD sa 4Ps program na outdated na dahil dumami ang mahihirap dahilan sa COVID-19.

Matatandaang sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa pagdinig na may halos 18 milyong pamilya ang nakatanggap ng cash assistance dahil sa doble ang binabayad.

“Ang sabi nga ni Sec. [Carlos] Dominguez, itong panahon ngayon, kailangan gumastos tayo dahilan sa ‘yung ekonomiya natin bumabagsak. Bakit bumabag­sak? Walang pera ang taumbayan para mamili ng pagkain, maraming nawalan ng trabaho. Kaya kailangan gumastos tayo ngayon para ma-stimulate ang ekonomiya natin,” dagdag nito.

Show comments