No age limit sa magbabakasyon sa Boracay

Ito ang proposal ng ahensiya isusumite sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na isasama nila sa papayagang maka­bisita sa Boracay ang mga 60-anyos pataas at 20-anyos pababa na turista.
Philstar.com/Rosette Adel, file

MANILA, Philippines — Sinabi kahapon ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat na walang itatakdang restriksyon sa edad ng mga lokal na turistang bibisita sa world-class tourist site Boracay na bubuksan sa Oktubre 1.

Ito ang proposal ng ahensiya isusumite sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na isasama nila sa papayagang maka­bisita sa Boracay ang mga 60-anyos pataas at 20-anyos pababa na turista.

Giit pa ni Puyat na ang mga nasabing edad ay mapapayagang makadalaw sa Boracay hangga’t negatibo ang mga ito sa RT-PCR test at walang sintomas ng COVID-19.

Sa panukala ng DOT, ang mga residente mula sa modified general community quarantine (MGCQ) at general community quarantine (GCQ) areas ay maaari nang makabisita sa Boracay basta negatibo sa RT-PCR test na kinuha dalawa o tatlong araw bago bumiyahe.

Show comments