^

Police Metro

COVID-19 vaccine darating sa Pinas sa 2021

Danilo Garcia - Pang-masa
COVID-19 vaccine darating sa Pinas sa 2021
Ito ay nang aminin ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na maaaring masimulan nila ang proseso ng pagbili at pamamahagi ng bakuna sa second quarter pa lamang ng taong 2021 o sa mga buwan mula Abril hanggang Hunyo.
AFP/Johannes Eisele, file

MANILA, Philippines — Inaasahang darating sa Pilipinas ang bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) sa ikalawang bahagi ng 2021.

Ito ay nang aminin ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na maaaring masimulan nila ang proseso ng pagbili at pamamahagi ng bakuna sa second quarter pa lamang ng taong 2021 o sa mga buwan mula Abril hanggang Hunyo.

“We need to ensure that all of these vaccines are safe and they are efficacious before we allow it to be sold or procured by the government,” ayon kay Vergeire.

Sa kasalukuyan ay ipinagpapatuloy pa rin ng mga dayuhang manufacturers ang development at trials ng mga bakuna.

Matatandaang mara­ming mga scientists at mga medical experts sa buong mundo ang nagsusumikap sa ngayon na makabuo ng bakuna upang ma­tuldukan ang pandemic ng COVID-19, ngunit iilan pa lamang sa mga ito ang nasa clinical trials na sa ngayon.

Sinabi ni Vergeire na nangako na rin naman ang Food and Drug Administration (FDA) na pabibilisin ang approval process para sa vaccine trials.

Magugunita na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibili ang bansa ng pinakamurang bakuna at naniniwalang iisa ang epekto ng lahat ng mga bakuna.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with