Health professionals puwede na uli magtrabaho sa ibang bansa â Duterte
Ito ay nang pumayag na umano si Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos ang pansaman­talang travel ban na ipi­natupad ng gobyerno dahil sa COVID-19.
STAR/Miguel De Guzman, file
Health professionals puwede na uli magtrabaho sa ibang bansa – Duterte
Malou Escudero (Pang-masa) - September 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inianunsyo ni Pre­sidential spokesperson Harry Roque na puwede nang makaalis patungong ibang bansa ang health professionals na kumpleto na ang mga papeles “as of August 31.”

Ito ay nang pumayag na umano si Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos ang pansaman­talang travel ban na ipi­natupad ng gobyerno dahil sa COVID-19.

Ani Sec. Roque, sa hanay pa lamang ng nurses ay posibleng nasa 1,500 na ang maaaring muling makabalik ng kanilang trabaho sa iba’t ibang mga bansa.

Matatandaang, ilang mga apela na ang ipinarating nang mga grupo ng medical workers sa Pangulo na alisin na ang temporary ban.

Ang pasiya ng Chief Executive ay batay na din sa una ng board resolution ng POEA na isinumite sa IATF upang mapayagan na din sana ang health workers na kumpleto na ang kanilang dokumento hindi lang “as March 8” kundi hanggang “August 31” na.

Related video:

COVID-19 HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with