Presyo ng COVID-19 test pinapakontrol sa Malacañang
Sinabi ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na napansin ng DOH na iba-iba ang presyo ng swab test lalo na sa mga laboratory kaysa sa mga ospital kaya’t hiniling nila sa Malacañang na magpalabas ng executive order.
STAR/File
Presyo ng COVID-19 test pinapakontrol sa Malacañang
Ludy Bermudo (Pang-masa) - September 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinakokontrol ng Department of Health sa Office of the President ang presyo ng mga COVID-19 test lalo na ang swab test kasunod ng iba-ibang pres­yo ng mga ito sa mga ospital.

Sinabi ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na napansin ng DOH na iba-iba ang presyo ng swab test lalo na sa mga laboratory kaysa sa mga ospital kaya’t hiniling nila sa Malacañang na magpalabas ng executive order.

Hindi aniya, kasali sa umiiral na batas ang price ceiling sa swab tests, diagnosis at professional fees, kundi para lang sa mga gamot.

Umaasa ang DOH na papaboran ni Pangulong Duterte ang kanilang rekomendasyon, lalo’t ang swab test o RT-PCR na ang karaniwang ginagamit para malaman kung may COVID-19 ang sinuman at ito ang “gold standard.”

Sa kasalukuyan, ang swab test ay nasa pagitan ng halagang P3,500 hanggang P15,000, depende sa ospital, klinika o laboratoryo. Upang makontrol ang pagpepresyo sa isinasagawang coronavirus disease 2019 (COVID-19) swab test ay hiniling ng Department of Health (DOH) sa Malacañang na magpalabas ng executive order.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with