Malacañang tanggap na ang mga patutsada ni VP Robredo sa Duterte admin
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque dahil bilang lider ng oposis­yon, hindi na umaasa ang Malacañang na may sasabihing maganda para sa administrasyon si Vice President Leni Robredo.
OVP/Released
Malacañang tanggap na ang mga patutsada ni VP Robredo sa Duterte admin
Malou Escudero (Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — “We have accepted that, I think people have accepted that. She can say all the negative things about the admi­nistration, but people still support the President.”

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque  dahil bilang lider ng oposis­yon, hindi na umaasa ang Malacañang na may sasabihing maganda para sa administrasyon si Vice President Leni Robredo.

Anya, may karapatan  naman si Robredo sa kanyang sariling opinyon pero tiyak na hindi ito positibo para sa admi­nistrasyon.

Ginawa ni Roque ang pahayag matapos matanong sa programang HeadStart sa CNN Phi­lippines tungkol sa pahayag ni Robredo na ang problema ay mas malaki  kaysa sa Health Secretary Francisco Duque na hindi nakasama sa mga inirekomendang kasuhan ng Task Force PhilHealth at idinagdag pa nito na ang problema ay nasa national government at ang kawalan ng sistema.

Idinagdag pa ni Ro­que na kahit anong negatibo ang sabihin ni Robredo ay mahal pa rin ng mamamayan si Pa­ngulong Duterte.

LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with