Online class suspendido ‘pag mayroong bagyo - DepEd

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, maaari ring magsuspende ng klase kung mayroong power outages sa mga estud­yanteng nasa online class.
Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Iginiit ng Department of Education (DepEd) official na maaari pa ring magsuspende ng mga klase kahit nasa bahay lang kung mayroong bagyo.

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, maaari ring magsuspende ng klase kung mayroong power outages sa mga estud­yanteng nasa online class.

“Ako personally, ang tingin ko dapat walang pasok sa araw ng bagyo o ‘yung nagre-restore pa [ng kuryente], pero hindi kasing haba ng dati,” aniya sa virtual briefing.

“[Only] for those doing online, but for those doing the printed self-learning modules, tala­gang ‘yung araw lang ng bagyo siguro saka ‘yung araw na nag-aayos pa ‘yung mga bahay pero ‘pag ready na, hindi na extended ‘yung disruption sa pagpasok ng mga bata,” lahad pa ni San Antonio.

Show comments