Helper dedo sa love triangle

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 27-anyos na lalaki matapos na ito ay tadtarin ng saksak sa likod ng kanyang karibal sa pag-ibig, naganap kamakalawa ng gabi sa Bacoor City, Cavite.

Ang nasawi ay kinila­lang si Nathaniel Tancastro, binata, helper sa isang construction at residente ng Greenvalley, Brgy. Molino 3 ng lalawigan. Habang naaresto ang suspek na nakilalang si Chester Veloso, 23, construction worker, residente ng BLS Dona Soledad, Brgy. San Lorenzo Ruiz, Parañaque City.

Sa ulat, bago ang insidente alas-6:55 ng gabi ay pinuntahan ng suspek ang pinagtatrabahuhan ng biktima sa Mesina Greenvalley upang komprontahin tungkol sa dating nobya nito na ngayon ay nobya ng biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Upang hindi na humaba ang pagtatalo ay tinalikuran ng biktima ang suspek na ikinapikon ng huli kaya’t inatado ng saksak ang una.

Nang patakas ang suspek ay hinabol ito ng mga kasamahan sa trabaho ng biktima at inaresto at dinala sa pulisya.

Show comments