Pasukan sa October 5 na-DepEd

Inatasan din ng Ma­lacañang ang DepEd na tiyakin na magiging maayos lahat ng preparas­yon para sa virtual na pagbubukas ng klase.
The STAR/Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Sa October 5 na at hindi na sa August 24 ang simula ng pasukan sa lahat ng paaralan sa bansa.

Ito ang inanunsyo ng Department of Education (DepEd)  nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng ahensiya na mailipat sa Oktubre ang pasukan para magkaroon ng sapat na paghahanda sa mga silid-aralan at kagamitan ng  mga mag-aaral.

“As per the memorandum, the President has given approval to the recommendation of DepEd. Thus, we will implement such a decision to defer school opening to October 5 pursuant to Republic Act No. 11480,”  pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones.

Inatasan din ng Ma­lacañang ang DepEd na tiyakin na magiging maayos lahat ng preparas­yon para sa virtual na pagbubukas ng klase.

Nauna rito tiniyak ni Briones sa isang press briefing sa Malacañang  na walang magaganap na face-to-face na klase dahil sa banta ng CO­VID-19. -Angie dela Cruz

Show comments