Ex-Manila Mayor Lim nakaratay sa COVID-19

MANILA, Philippines — Nakaratay ngayon si dating Manila Mayor Alfredo Lim sa isang pagamutan sa Maynila makaraang dapuan ng coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang kinumpirma ni Ric de Guzman, chief of staff ng dating alkalde ng Maynila makaraang unang kumalat sa social media ang impormasyon na kritikal ang kalagayan o nasawi na si Lim.

“Mayor Lim is very much alive although he is confined in a hospital now. In fact, he’s making good progress as of this statement. I hope this puts to rest all misinformation that he had passed away,” ayon pa kay De Guzman.

Nakiusap din siya na itigil ang pagpapalabas ng mga spekulasyon ukol sa kalagayan ni Lim at bigyan ng privacy ang pamilya ng dating alkalde.

Show comments