Free bus ride idineploy ng DOTr para sa mga frontliners
Kaya naman mas marami na ang maseser­bisyuhan at matutulu­ngang frontliners ng programa, lalo na nga­yong isinailalim muli ang National Capital Region sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
STAR/Edd Gumban, file
Free bus ride idineploy ng DOTr para sa mga frontliners
Mer Layson (Pang-masa) - August 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magiging araw-araw na ang “Free Ride” for Health Workers and Medical Frontliners Programs ng Department of Transportation (DOTr) matapos ideploy ang nasa 100 bus.

Ito ang sinabi ni DOTr Assistant Secretary Goddess Hope Libiran na ang free bus ay nag-o-operate mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi  sa may 20 ruta sa Metro Manila Area.

Kaya naman mas marami na ang maseser­bisyuhan at matutulu­ngang frontliners ng programa, lalo na nga­yong isinailalim muli ang National Capital Region sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon kay Libiran, naging posible ang programa dahil sa pakiki­pagtulungan ng mga ahen­siya ng pamahalaan at ng pribadong sector.

Bukod dito, nagpapatupad din aniya ang DOTr Road Sector ng ‘hospital positioning strategy,’ kung saan may mga tinukoy silang mga pagamutan, sa koordinasyon ng Department of Health (DOH), at lalag­yan ng dedicated shuttle service para sa mga empleyado.

Kung nais makita ang mga ruta, i-click lamang ang link na ito: https://www.facebook.com/100572768145549/posts/177760183760140.

DOTR FRONTLINER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with