Dine-in restos, salons, gyms sarado uli
MANILA, Philippines — Dahil sa ipinatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ) ay muling isasara ang mga negosyo tulad ng mga ‘dine-in restaurants, salons, gymnasiums’.
Ito ang paalala ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez at samantalahin ang 15-araw na pagsasara para maisaayos pa ang kanilang mga pasilidad at sistema sa contact tracing bago hayaang muling magbukas.
Kabilang sa mga negosyo na isasara sa ilalim ng MECQ ay ang mga barberya at salons; gym/fitness studios at sports facilities; testing/tutorial centers; internet cafes; drive-in cinemas; pet grooming services; languange, driving, dance/acting/voice schools; mga tradisyunal na sinehan; mga silid-aklatan, museums, at cultural centers.
Apektado rin nito ang mga tourist destinations, travel agencies, tour operators, reservation services at iba pa. Sarado rin muna ang mga sabungan, beerhouses, at mga amusement centers.
- Latest