^

Police Metro

Face mask na may valve ‘di ligtas gamitin-FDA

Ludy Bermudo - Pang-masa
Face mask na may valve �di ligtas gamitin-FDA
Kinumpirma ni FDA Director General at Health Undersecretary Eric Domingo na hindi ligtas ang isang tao sa paggamit ng face mask na may exhalation valve na karaniwang ginagamit sa industrial purposes dahil sa “one-way” ang naibibigay na proteksyon nito.
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Hindi inirerekomenda ng Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko ang paggamit ng mga face masks na may valve para sa medical purposes sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Kinumpirma ni FDA Director General at Health Undersecretary Eric Domingo na hindi ligtas ang isang tao sa paggamit ng face mask na may exhalation valve na karaniwang ginagamit sa industrial purposes dahil sa “one-way” ang naibibigay na proteksyon nito.

Sinabi ni Domingo na nag-abiso na rin sila sa mga pagamutan sa bansa hinggil sa pagbabawal sa pagpasok ng mga taong nakasuot ng face mask na may valve, gayundin ang mga taong mali ang pagkakasuot ng face mask.

Iginiit ng FDA na sa may suot ng face mask na may exhalation valve,  ibinubuga lamang nito ang kanyang hininga na nakalulusot pa rin palabas na makakahawa sa ibang tao sakaling may taglay na bacteria o virus.

Ginagamit ang may exhalation valve na face masks sa industrial works tulad ng karpintero upang hindi makalanghap ng alikabok.

“Ang totoo po kasi karamihan ng mga maskara na may valve hindi po ‘yan naka-register for medical purposes. Hindi sila mga medical and/or surgical mask, kundi ay mga industrial mask ginagamit ng mga karpintero, mga naga-grinding so ang talagang intensyon niyan ay hindi makapasok ‘yung alikabok sa ihihinga ng tao,” ani Domingo nang kapanayamin sa radyo.

“Pero wala siyang proteksyon... halimbawa kung ikaw ay may sakit at suot-suot mo [may valve] maaaring lumabas po ‘yung hininga niyo doon sa valve. Kung talagang infection control po talaga ay hindi po para doon,” paliwanag pa ng health official.

Sinabi pa ni Domingo na mas mainam pa ngang gamitin ang mga cloth mask kumpara sa face mask na may valve pagdating sa pagbibigay ng two-way protection, dahil mas napoprotektahan pa nito ang may suot ng mask at maging ang mga tao sa kanyang paligid.

“Dapat fully covered ang ilong tsaka bibig, dapat walang butas kasi kung may valve siya kung ikaw ang may suot non mapo-protektahan ka nga pero ang ibang tao eh, kung ikaw ang may sakit, ang ibang tao ang mahahawa sa inyo,” aniya pa.”

Aniya, pinag-aaralan na rin ng FDA ang paglalabas ng advisory sa iba pang establisimyento gaya ng mga malls at mga restaurants hinggil sa panganib ng paggamit ng face mask na may valve.

vuukle comment

FACEMASK

FDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with