Bawal magsalita sa loob ng MRT-3 tren
Isinailalim ng MRT-3 sa COVID-19 testing ang lahat ng empleyado ng MRT-3 gayundin ng kanilang maintenance provider na Sumitomo-MHI-TESP at subcontractors nito at lumabas sa pagsusuri ay 281 kawani ang nagpositibo sa virus, kabilang ang mga ticket sellers.
AFP/Ted Aljibe
Bawal magsalita sa loob ng MRT-3 tren
Mer Layson (Pang-masa) - July 14, 2020 - 12:00am

Maging pagsagot sa cellphone…

MANILA, Philippines — Mahigpit munang ipinagbabawal ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa kanilang mga pasahero ang pagsasalita at pagsagot sa mga cellphone habang sila ay nasa loob ng tren upang maiwasan ang posibleng hawahan at higit pang pagkalat ng COVID-19.

Anila, ang pagbabawal ay bahagi ng mga pag-iingat at pamamaraang ipinatutupad laban sa COVID-19, lalo na ngayong balik na ang kanilang ope­rasyon.

“Upang maiwasan ang posibleng pagkalat at pagkahawa ng virus sa mga commuters, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsagot ng tawag sa cellphone ng mga pasahero at pagsasalita sa loob ng tren,” nakasaad sa paabiso ng MRT management sa kanilang official Twitter account.

Pinapaalalahanan din ng pamunuan ng MRT-3 ang mga pasahero na panatilihing nakasuot ang kanilang mga face masks habang nakasakay ng tren.

Magugunita noong nakaraang linggo ay nagpasya ang MRT-3 na pan­samantalang suspindihin ang kanilang operasyon matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilan nilang kawani.

Isinailalim ng MRT-3 sa COVID-19 testing ang lahat ng empleyado ng MRT-3 gayundin ng kanilang maintenance provider na Sumitomo-MHI-TESP at subcontractors nito at lumabas sa  pagsusuri ay 281 kawani ang nagpositibo sa virus, kabilang ang mga ticket sellers.

Tiniyak naman ng MRT-3 na sa pagbaba­lik-operasyon nila ay magpapatupad sila ng mas istriktong mga health at safety protocols upang matiyak ang kaligtasan mula sa virus ng kanilang mga pasahero at mga empleyado.

MRT-3
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with